Philippine Educational Theater Association (PETA) on its 40th
Theater Season presents
Christine Bellen's
BATANG RIZAL
Tanghalang PETA-PHINMA/ PETA Theater Center
July19 - August 26, 2007
(Thursdays to Sunday)
10:00am / 3:00pm
Ticket Price: Php300.00
SYNOPSIS:
Nawawala ang bantayog ng Batang Rizal!
Linggo ng Wika at Kultura. May regalo si Mayor Rapcu sa Mababang
Paaralan ng Rizal – isang bantayog na símbolo ng paaralan – ang
rebulto ng Batang si Rizal. Ngunit pagtanggal ng telon, ang lumabas
ay hindi si Pepe kundi si Pepito.
Galit na galit si Mayor Rapcu. Pinababayaran niya sa pamilya ni
Pepito ang bantayog. Kung hindi ito maililitaw, mawawalan ng trabaho
ang tatay niya at aalisin silang magkakapatid sa Rizal Elementary
School. Honor student pa naman si Pepito. Isang Linggo lang ang
taning na ibinigay ng head teacher upang maibalik ang bantayog.
Ano nga bang nangyari sa bantayog?
Kaninang umaga kasi ay siksikan sa classroom at natabig ni Pepito
ang bantayog, kung saan ito itinago pansamantala. Napingas tuloy ang
ulo nito. Dahil sa takot, itinago ni Pepito ang bantayog sa bodega
habang nag-iisip kung ano ang gagawin sa paglalabas nito sa programa
ng Linggo ng Wika at Kultura.
Ano ang gagawin mo kapag nakita mo si Rizal sa personal?
Nang balikan ni Pepito ang bantayog sa bodega, napunta siya sa
panahon ng "Batang si Rizal."- panahon ni Pepe.
Magkikita sina Pepito at Pepe. Doon masasaksihan ni Pepito ang mga
pinagdaanan ng ating pambansang bayani noong bata pa lamang ito.
Kapwa sila mausisa ukol sa buhay at kasaysayan ng kani-kanilang mga
panahon, kaya't sumama rin si Pepe sa panahon ni Pepito.
Ano ang gagawin ni Rizal sa kasalukuyan?
Isang pagsilip ang dulang "Batang Rizal" sa ilang mahahalagang
bahagi ng buhay ng ating pambansang bayani.. noong siya ay hindi pa
ganap na bayani. Ngunit tungkol din ito sa kung paano matutuklasan
ng isang bata ang bayani sa kanyang sarili.
Mula sa makulay na pakikipagsapalaran nina Pepe at Pepito, nais ng
PETA na ipakita sa mga bata at sa mga pusong bata ang kabayanihang
nasa kanilang kalooban. Sinuman sa atin ay may bahagi ni Rizal dahil
nasa atin ang pagiging isang "Batang Rizal."
STARRING:
Ron Alfonso, Nex Agustin, JK Anicoche, Glecy Atienza, Bernah
Bernardo, Joan Bugcat, Willy Casero, Abner Delina, Mary Ann
Espinosa, Neomi Gonzales, JV Katipunan, Patricia Liwanag, Shé Maala,
Carlon Matobato, Mark Norella, Kitchie Pagaspas, Norbs Portales.
written by CHRISTINE BELLEN
directed by DUDZ TERAÑA
music by VINCENT DE JESUS p
roduction design by BOBOT LOTA
costumes by RON ALFONSO
animation by DON SALUBAYBA AND THE ANINO SHADOW COLLECTIVE
No comments:
Post a Comment