Magsasama-sama ang mga Pilipinong kompositor at musikero sa isang konsyerto ngayong katapusan ng Enero na pinamagatang #NeverForget, isang pagbabalik-tanaw sa tunay na naganap noong Batas Militar, sa panahon ng pamumuno ni dating Presidente Ferdinand Marcos.“Naniniwala ako sa sinasabi ng manunulat na si Edmund Burke na ‘Those who don't know history are doomed to repeat it’” paliwanag ni Cooky Chua, mang-aawit ng grupong Tres Marias, Color It Red, at kasapi ng LAPIS. “Dapat masusi ang...