SA MGA DIREKTANG NAAPEKTUHAN NG BAGYONG LANDO at MINA,
Nais po naming ipabatid na kami , ang buong pamunuan ng AAP ay nakikiisa sa inyong mga problemang dinaranas at dinadanas sa kasalukuyan.
Lalo na sa mga artists na nakabase sa Bicol region, Aurora, LA Union, Pangasinan, Baguio, Isabela, Iloilo, Davao, Ilocos Region at iba pang direktang tinamaan ng bagyong Mina.At sa LAHAT ng mga Alagad ng Sining na nalito, nagdalawang -isip, nawalan ng kumunikasyon at walang transportasyon ,at mga nag-isip kung ano na ang nangyayari sa kanilang mga mahal sa buhay na tinatamaan ng ng nasabing kalamidad.
Ang lahat ng ito ay hindi natin KAGUSTUHANG MANGYARI.
Sana ay maunawaan din ng mga kasapi na nakabase sa Metro Manila ang ibibigay nating EXTENSION sa ating mga KAPATID sa SINING.
MALUGOD PO naming tatanggapin ang LAHAT ng inyong ENTRY sa ISANG LUGAR na lamang. Please submit all your entries at AAP KANLUNGAN NG SINING , RIZAL PARK , MANILA starting Monday- NOVEMBER 26 u- up to Tuesday NOVEMBER 27 ,2007 from 9AM UP TO 7PM.
Tatanggapin po ang lahat ng PAINTING, MIXED-MEDIA, SCULPTURE, DRAWING, PHOTOGRAPHY ENTRIES ng LAHAT ng nais pang lumahok.
NAUUNAWAAN PO NAMIN KAYO ! DAHIL KAYO AY AMING KAISA , KASAMA at KAPATID sa SINING !
KITA-KITS PO!
PAKIPASA , IPABATID SA LAHAT,TULUNGAN PO KAMI SA ANNOUNCEMENT NA ITO.
MULA SA BUONG PAMUNUAN NG AAP,
Ang inyong lingkod,
FIDEL M.SARMIENTO
AAP- Pangulo
No comments:
Post a Comment